Saturday, December 31, 2016

Batang Kalapati

Batang Kalapati
Ni Arvin Babon



Sa pagsapit ng dilim
Naghahanda ang mga kalapati
Sa pagkapit sa patalim
Nagsusukbit ng palamuti
Sa kanilang murang katawan
O’ kalapati’y sisiw pa lamang!
Bihasa na sa makamundong larangan
Sa kalalakihang hayuk gumagapang

O’ neneng, bakit kabataa’y ipinagbili?
Kamalayan kapalit ng salapi
Para ba may mai-prito sa kawali?
O para sa iskwela may pansipi?

Neneng bakit ito ang naisip na paraan?
Bakit ito ang landas na tinahak?
Para ba makaahon sa kahirapan?

O para si ama may pambili ng alak?

- 07/31/2012 - 

No comments:

Post a Comment