Napipikon ako sa bilis ng panahon
Kanina'y umaga, ngayo'y dapit hapon
kanina'y tagsibol, ngayo'y taghulog
Kanina'y unang pagdilat, ngayo'y huling pagtulog
O' panahon kay bilis mong nagdaan
Kabataan ko'y kailan nawala? Kailan?
Naglaho nang mabilis pa sa bula,
Mabilis pa sa pagragasa ng isang tala
O' panahon noong ako'y nabubuhay
Mayroon ba akong nagawang may saysay
Ang mga pagsubok ba na aking pinagdaanan
Sa aking pagbalik sa pinanggalingan
Kapag lumingon ba sa pinaroonan
Masasabi ko ba na ako'y may natutunan?
Masasabi ko ba na wala akong mga pagsisisi?
At mahaharap ko ba ang Ama ng nakangisi?
Ako'y pabalik na, ako'y pabalik na
Ito ang isasambit kong huling palabra
- Marso 17, 2012 -
No comments:
Post a Comment