Saturday, December 31, 2016

Walang Titulo

Tumatangis sa bawat alaala
Oras na palaging ika’y kasama
Maramdaman pa kaya sinag ng ‘yong
Araw, init na siyang bumubuhay
Sa ‘king mga pangarap at ligaya
Ikaw tanging ipinagmamalaki,
Na aking tanging ikinararangal
O’ paano makababalik sa ‘yo
Aking minimithi at sinisinta
Kailan makakadaupang palad

Oyayi ng kaligayahan

- 07/31/2012 -

No comments:

Post a Comment