Saturday, December 31, 2016

Lalake Ka

Lalake Ka
(inspired by Babae Ka ni Inang Laya)

Lalake ka
Inaasahan, tagadala ng pangalan
Haligi ng tahanan
Gumising ka
Bumangon ka
Babae na ang siyang nagunguna
Sa kahit anong larangan
Sila ay 'di lang natin kasabayan
Kundi lalo tayong hinihigitan
Ito ang hubad na katotohanan
Gumising ka sa iyong pantasya
Ang laro itigil muna
Ang seks ipagpaliban muna
Mahirap nang makadisgrasya
Unahin ang aral muna
Gumising ka
Bumangon ka
Lalaking kabataan, ikaw ang pagasa
Nang bayang sadlak sa dusa
Ang pangalan ng amang nadungisan
Pagkakataon mo nang linisan
Gumising ka
Bumangon ka
Kailangan nating magkaisa
Ipakita sa mundo ang ating kaya
At nang hindi humantong sa pagka-alila
Sa mga kababaihan at kanilang mga dila
Gumising ka!
Bumagon ka!

- 2nd Semester, S.Y. 2010-2011, Philippine Literature subject, University of Santo Tomas -

No comments:

Post a Comment